SUPER in love ulit ang producer/actress na si Harlene Bautista kay Federico Moreno, anak ng namayapang si German Moreno.

harlene at federico

Base sa post ni Harlene sa kanyang Facebook page nitong Sabado ng gabi, “Everything is clearer, lovelier and more right because of you. Looking forward to spending more of life with you. I love you, Freddie.”

“1st month. Harlene Bautista (emoji heart),” ang post naman ni Federico sa FB page niya at nagdiwang sila ng kanilang unang buwan sa Tomatito Spanish Restaurant sa BGC.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tsinat namin si Ms. Harlene kung matagal at kung paano ang nangyaring ligawan, “first month palang,” tipid na sagot sa amin.

Nabanggit namin na nu’ng 2019 ay ibang boyfriend (Neil Eugenio) niya ang pinag-uusapan namin at ang saya-saya pa niya, ang bilis ng panahon.

“I’m happier now, ‘yun ang mahalaga,”sagot sa amin.

Hindi kami sinagot kung paano nagsimula ang ligawan at pagkakagustuhan nina Harlene at Federico pero ang sigurado ay mga bata palang ay magkakilala na sila dahil ang tatay ni Federico ay host ng That’s Entertainment kung saan naging miyembro si Harlene pati ang ex-husband niyang si Romnick Sarmenta.

Parehong hiwalay sa kanilang mga asawa sina Harlene (kay Romnick) at si Federico kay Sheila Magdayao, panganay na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Hindi naman malinaw sa amin kung annulled na ang kanilang mga kasal o kung may nag-file na.

Anyway, wala namang hadlang na sa magandang pagmamahalan ngayon nina Harlene at Federico dahil si Romnick ay may iba ng kasintahan at si Sheila naman ay matagal nang hiwalay sa ama ng apat na anak at abala sa negosyo nilang Ystilo Salon bilang managing director.

Samantala, parehong negosyante sina Harlene bilang co-producer ng Heaven’s Best Entertainment Productions at si Federico naman ay may salon business at miyembro ng MTRCB.

Sa pinost nilang larawan ay marami ang bumati at masaya sa kanila n asana ay maging forever na.

-REGGEE BONOAN