Sinita kahapon ni Senator Joel Villanueva ang ginagawang “white sand” beach project sa bahagi ng Manila Bay na ginastusan ng daang-daang milyong piso na dapat sana ay inilaan sa paglaban sa coronavirus virus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ang reaksyon ni Villanueva ay bilang suporta sa mga pumupuna sa nasabing proyektong sumasaklaw sa 500 metro ng baywalk na tatambakan ng puting buhangin.

“Environmental protection cannot be achieved by mere aesthetics alone, and certainly not at the cost of sacrificing one area to preserve or make the other more pleasing. This will lead to further environmental degradation, if not fool-hardly and waste of resources in a time of great hunger and economic hardship,” pagdidiin ng senador nang kapanayamin ng mga mamamahayag kaugnay ng nasabing proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Funds for this project could have been better spent in buying the needs of our students, or providing more assistance to displaced workers and OFWs,” dugtong nito.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Si Villanueva ay pinuno ng Senate committees on labor and higher education.

Matatandaang umani na rin ng pagbatikos mula sa iba’t ibang grupo ang nasabing “beach nourishment” plan ng DENR na ayon sa pamahalaan ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program nito.

Naiulat na pinondohan ang nasabing “white sand” beach ng P349 milyon.

Nauna nang binira ng grupong ng mga mangingisdang Pamalakaya ang nasabing proytekto na nagsabing dapat ay pagtuunan na lamang sana nang pansin ang problema sa pagkasira ng kapaligiran ng Manila Bay.

Gayunman, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na ang nasabing proyekto ay nagsisilbing paalaala sa publiko upang pangalagaan ang ating kapaligiran.

-VANNE ELAINE P. TERRAZOLA