Masaya at thankful si Kapuso actress Glydel Mercado na sa gitna ng COVID-19 pandemic ay may chance na siyang magtrabaho ngayon pagkalipas ng ilang buwan na pahinga.
“Salamat po na isa ako na kasama sa “Winner September” line-up ng GMAPublic Affairs na Wish Ko Lang, pagbabahagi ni Glydel.
“At ako ang mauunang tampok sa story na ‘Nalunod’ tungkol sa isang ina na gagawin ang lahat upang mailigtas ang mga anak na inanod ang bahay. Iam honored and privileged that they choose me to be part of this episode.
“Ang totoo nanibago ako sa paggawa ng episode dahil na rin sa mga ipinatutupad ngayong safety protocols. Isa itong magandang experience for me. Pero sa mga nanay na manonood mamayang hapon ng Wish Ko Lang, ang maipapayo ko lamang sa inyo, huwag kayong mawawalan ng pag-asa, trust in God, hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kaya.”
Makakasama ni Glydel sina Allen Dizon at Therese Malvar, at 4:00PM after Tadhana sa GMA-7.
Samantala, tampok din sa episode ng Magpakailanman tonight si Glydel sa ‘Mga Batang Hubad: The Cyberporn Family Story.’
Makakasama naman dito ni Glydel sina Allan Paule at Klea Pineda. Sabi nga kapit sa patalim ang mag-anak, sa kahirapan ng buhay, ipapasok nina Glydel at Allan si Klea sa mundo ng cyberporn. Paano kakayanin ng mag-anak ang desisyon nilang iyon?
Mapapanood ang episode at 8PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.
-NORA V. CALDERON