Pinalawig pa ng Maritime Industry Authority (MARINA) ng isang taon ang mga mapapasong Seafarer’s Record Books (SRB) at Seafarer’s Identification and Record Books (SIRB) ng mga Pinoy, sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Sa isang paabiso, sinabi ng MARINA na ang lahat ng SRBs at SIRBs na mapapaso sa pagitan ng Marso 13 hanggang Disyembre 31 ng taong ito ay i-extend nila ng isang taon mula sa araw ng expiry o pagkapaso nito, nang hndi na kinakailangan pang maghain ng aplikasyon sa kanilang tanggapan.

Ayon sa MARINA, ang SIRB ay ang dokumentong iniisyu sa mga kuwalipikadong merchant marine officers kabilang ang mga mangingisda at mga off-shore workers upang mabigyan sila ng identity papers at rekord ng kanilang sea service, samantalang ang SRB naman ay isang rolyo ng merchant marine personnel, kabilang ang mga off-shore workers, na pinangangalagaan ng MARINA.

“The extension was made to help ease the difficulties in ship crew changes and disembarkation, and to ensure the continued employment of Filipino seafarers,” anang MARINA.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Gayunman, inirerekomenda nito na ang mga mandaragat na kasalukuyang nakadaong ay dapat na mag-renew na ng kanilang SIRB o SRB upang makaiwas sa inaasahang pagdagsa ng mga renewals sa susunod na taon.

“Seafarers who are not on board are hereby directed to renew their SIRB/SRB six months prior to its expiration,” ayon pa sa MARINA.

-Mary Ann Santiago