Pormal nang inilunsad kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kabilang sa mga nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential spokesperson Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Manila City Mayor Isko Moreno.

Ang staysafe.ph app ay may kakayahan na i-trace ang pinuntahan at nakasalamuha ng isang user gamit ang GPS.

Makikita rin umano sa naturang app ang kasalukuyang sitwasyon ng isang lugar pagdating sa kaso ng COVID-19.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Ang staysafe.ph app ay maaring i-download sa Google Playstore, Apple App Store, Huawei Apps Gallery at sa website na staysafe.ph.

Ayon kay Magalong, malaki ang maitutulong ng naturang app para matukoy ang mga pinuntahan at nakasalamuha ng mga confirmed COVID-19 cases.

Aniya, bagamat may iba’t ibang klaseng tracer app na ang iba’t ibang LGU sa bansa ay madali itong maiko-consolidate sa staysafe.ph app.

-Mary Ann Santiago