July 05, 2026

Home BALITA Politics

Rep. De Lima, may panukalang batas sa maternity benefits, load expiration

Rep. De Lima, may panukalang batas sa maternity benefits, load expiration
Photo courtesy: House of Representatives of the Philippines (FB)

Inihain ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima sa Kamara ang mga panukalang batas na nagpapalawak sa maternity benefits ng kababaihang manggagawa at pagbabawal ng expiration sa prepaid load. 

Batay sa pahayag ni De Lima nitong Sabado, Hunyo 27, ang House Bill 9904 o ang “Maternity Benefit for Women in the Informal Economy Act” ay ang expansion ng maternity benefits ng mga babaeng manggagawa na hindi miyembro ng Social Security System (SSS).

Isasagawa ito sa pamamagitan ng one-time maternity cash benefit per delivery, na katumbas ang 44 araw ng arawang sahod ng isang ina sa kaniyang tinitirhan na rehiyon. 

Ang panukalang ito ay pagsuporta sa inihaing Senate Bill No. 1579 ni Sen. Risa Hontiveros na “Maternity Benefit for Women in the Informal Economy Act.” 

Sa kabilang banda, ang House Bill 9903 o ang “Prepaid Load Forever Act” ay nagbabawal sa lahat ng public telco entities at providers na magpataw ng expiration sa prepaid load credits ng mga mamamayan sa kanilang mobile phones. 

Politics

'Bakit ko sisirain yung raket ko?' PBBM, tumalak sa alegasyong korap siya

Ang panukalang ito naman ay pagsuporta sa inihaing Senate Bill No. 1095 ni Sen. Win Gatchalian na mayroon ding titulong, “Prepaid Load Forever Act.