June 30, 2026

Home BALITA National

PBBM, raratsada sa Canada mula Hulyo 1-4!

PBBM, raratsada sa Canada mula Hulyo 1-4!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Plakado ang nakatakdang paglipad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., upang bumisita sa bansang Canada mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 4, 2026, at makipagkita kay Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney. 

Batay sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) noong Biyernes, Hunyo 26, inanunsyo nilang magsasagawa ng bilateral discussion sina PBBM at Carney upang mas palalimin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Canada. 

Photo courtesy: PCO

Anang PCO, inaasahang sisiyasatin ng dalawang naturang lider ng mga bansa ang progreso sa kanilang defense at seguridad upang makapagsagawa ng trade at investment. 

“The two leaders are expected to assess progress in defense and security engagements and efforts to expand trade and investment, and explore avenues to bolster cooperation in enhancing economic resilience, strengthening collaboration in energy and critical minerals, and reinforce people-to-people linkages,” anila. 

National

'Mga sabi-sabing walang ebidensya Prosecution, 'di totoo!'—Rep. Ridon

Bukod pa rito, pag-uusapan din umano nina PBMM at Carney pamumuno ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) dahil mula pa noong 1977 ay Dialogue Partner na ng ASEAN ang Canada. 

Pagpapatuloy ng PCO, isa sa umano sa mga pangunahing layunin ni PBBM na magbukas ng mga oportunidad sa negosyo at investment, partikular sa pagharap niya sa mga Canadian business leaders at investors para sa mga sektor na kritikal at mahalaga sa Pilipinas. 

“Including information technology, business process management, artificial intelligence (Al) and critical infrastructure, critical minerals, and other high-growth industries,” ‘ika pa nila.

Sasamahan si PBBM ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagharap nila sa komunidad ng mga Pilipino sa Vancouver, British Columbia, upang magbigay-pugay para sa kontribusyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa at nagpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Canada. 

Pagbibida ng PCO, ito raw ang muling unang beses sa lumipas na mahigit isang dekada na pagbisita ng Pilipinas sa Canada magmula sa naging pagratsada ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2015. 

Samantala, nakabisita naman si dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Pilipinas noong 2017. ‘

KAUGNAY NA BALITA: Mula +14: Satisfaction rate ng Pinoy sa PBBM admin, lagapak sa -13!