July 07, 2026

Home BALITA National

Mula +14: Satisfaction rate ng Pinoy sa PBBM admin, lagapak sa -13!

Mula +14: Satisfaction rate ng Pinoy sa PBBM admin, lagapak sa -13!
Photo courtesy: PCO (FB)

Ligwak sa -13 ang satisfaction rate ng mga Pilipino para sa kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Marso 2026. 

Aabot sa 27 na puntos ang ibinababa ng naturang satisfaction rate para sa National Administration kumpara sa +14 noong Nobyembre 2025, habang matatandaang bumaba rin ito sa -3 noong Setyembre 2025. 

Ikinasa ng SWS ang survey nila para sa unang kwarter ng 2026 mula noong Marso 24 hanggang Marso 31 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa kabuuang 1,500 na mga indibidwal na may edad 18 pataas sa buong bansa. 

600 ang kabuuang bilang ng mga tinanong ng SWS sa Balance Luzon habang tig-300 naman sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. 

Narito ang pangkabuuang tanong na ginagamit ng SWS para malikom nila ang satisfaction rate ng publiko sa kasalukuyang administrasyon: 

National

'Walang bise presidente na handang magpapatay ng presidente... ngayon lang!'—Luistro

“Sa pangkalahatan, gaano po kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa kasalukuyang administrasyong nasyonal? Kayo po ba ay LUBOS NA NASISIYAHAN, MEDYO NASISIYAHAN, HINDI TIYAK KUNG NASISIYAHAN O HINDI, MEDYO HINDI NASISIYAHAN, o LUBOS NA HINDI NASISIYAHAN?”

Batay sa tala ng SWS, lumabas daw na 32% ang satisfied, 21% ang neither satisfied o dissatisfied (neutral), at 46% naman ang dissatisfied na mga Pinoy sa kasalukuyang administrasyon. 

Anang SWS, “record-low” o ito raw ang pinakamababang satisfaction rate sa nagdaang 16 na taon na nakuha ng administrasyon ni PBBM kumpara sa mas ligwak na -45 na satisfaction rate sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Marso 2010. 

“This is a record-low for the Marcos, Jr. administration, and the lowest in 16 years since the bad -45 in March 2010 under the Arroyo administration,” anila.

Photo courtesy: SWS.

Matatandaang bumagsak na rin personal na satisfaction rating ni PBBM batay sa inilabas na resulta ng SWS noong Mayo 26 mula sa isinagawa nilang survey noon ding Marso 2026. 

Sa naturang resulta ng SWS, lumabas na bumaba sa “poor” -15 ang net satisfaction rating ni PBBM noong Marso 2026 mula sa dating -3 noong Nobyembre 2025.

Batay sa survey, 33% lamang ng adult Filipinos ang nagsabing satisfied sila sa performance ng pangulo, habang 49% ang dissatisfied at 18% naman ang undecided.

KAUGNAY NA BALITA: New record-low! Satisfaction rating ni PBBM, bumagsak at lumubog sa -15 noong Marso 2026—SWS

KAUGNAY NA BALITA: Mga Pinoy, 'mas satisfied' kay VP Sara kaysa kay PBBM