Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa maayos na kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila nang nauna nitong pag-amin na lumalala ang kanyang Barrett’s esophagus condition at maaaring mauwi sa pagiging stage 1 cancer.

Ayon kay Duque, base sa kanyang obserbasyon sa pangulo sa kanilang mga idinaraos na cabinet meetings ay ‘okay’ naman ito at wala aniya siyang nakikitang problema.

Malinaw aniya ang mga sinasabi ng pangulo at maging ang mga kautusan niya sa kanyang mga Gabinete, gayundin ang kanyang mga prayoridad.

“Okay naman siya. Kapag nagmi-meeting kami, malinaw naman ang kanyang mga direktiba. Malinaw naman ang kanyang mga sinasabi at ang kanyang frame of mind ay very clear,” ani Duque.,

Eleksyon

‘Di binanggit si PBBM?’ Sen. Imee, pinasalamatan sina FPRRD, VP Sara sa proklamasyon

“‘Yung kanyang mga pag-uutos sa amin, ‘yung mga kagustuhan niya, ‘yung mga priorities niya ay malinaw naman ang kanyang pagbabahagi sa kanyang Gabinete.”

“Maayos naman siya, ‘yung kulay naman niya, okay naman, Wala naman akong nakikitang problema. He is in a good state of health,” dagdag pa ni Duque.

Nauna rito, inamin sa publiko ng pangulo na mayroon siyang Buerger’s disease at Barrett’s esophagus.

-MARY ANN SANTIAGO