NAKASUNOD as scheduled ang pagsisimula ng lockdown taping ang Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun headed by Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith. Direct mula kay Senior Program Manager Ayalexi ng primetime show, ang report na natuloy ang pull-out ng buong production staff last August 31, para mag-set up na ng mga eksenang gagamitin. Ten-day lock-in taping sila sa isang lugar sa Tanay, Rizal. At September 1, nagsimula na ang kanilang taping.

Hindi ba sila nag-alaala na baka puntahan sila ng mga fans sa location?

“Hindi po, kasi bawal magpapasok sa place, secured po kami, at kung may gusto mang pumasok, kailangan nilang magpakita ng certificate or may dala silang swab test result. Malaki po ang place medyo mahirap nga lamang na halos walang signal dun! Salamat po at please pray for the team!”

Nag-request kami ng chika sa mga artista dahil ito yata ang pinakamatagal na lock-in taping, ‘di tulad ng ibang shows na one or two taping days lamang tapos na sila. iro nga ni Ms. Ayalexi dala raw yata ng mga artista ang buong bahay nila sa location! Wala nga kasing lalabas sa mga artista hanggang hindi natatapos ang 10-day taping nila.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Tulad nang unang balita, after the taping, mapapanood muna ang recap ng mga naipalabas nang episodes ng DOTS PH para ma-refresh ang televiewers dahil bumilang na rin ng almost seven months since March, na naipalabas ang huling eksena bago ang community quarantine.

-NORA V. CALDERON