Nausisa si Miss Universe Philippines 2026 Bea Milan Windorski kung nakakaramdam ba siya ng pressure bilang pambato ng bansa sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Nobyembre 2026.
Nakapanayam kasi ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila si Bea sa latest episode ng vlog niya kamakailan.
Sa bandang huli ng naturang vlog, sumundot ng tanong si Karen kung nape-pressure daw ba si Bea na maiuwi ang korona, lalo pa’t dalawang kandidata ng Pilipinas ang itinanghal na Miss Universe sa nakalipas na mahigit isang dekada.
“I would say pressure is a privilege, and the fact that Filipinos care so much is really what drives me forward to make sure I bring the best of what the Philippines has to offer to the international stage,” saad ni Bea.
“And something interesting too is I've experienced both,” pagpapatuloy niya. “I've experienced representing the US internationally and that's a country where we have a history of pageantry but people don't care as much.”
Dagdag pa ng beauty queen, “I would say that indifference is harder to with than how much Filipinos care. “
Kaya naman kahanga-hanga umano ang pagpapahalagang ibinibigay naman ng mga Pilipino sa ganitong uri ng kompetisyon.
"I promise to ride this pressure to make sure I give the best performance possible," dugtong pa ni Bea.
Matatandaang bukod kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, nanalo rin ng Miss Universe sina Margie Moran noong 1973 habang si Gloria Diaz naman ay noong 1969.
Basahin: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?