July 04, 2026

Home BALITA

Kaso vs. Bishop Elmer, ibinasura ng korte!

Kaso vs. Bishop Elmer, ibinasura ng korte!
Photo Courtesy: Diocese of Bayombong (FB)

Inanunsiyo ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang pagbasura ng lokal na korte sa kasong isinampa laban sa kaniya dahil sa pagkontra sa isinasagawang exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation (NLMRC) sa bayan ng Kasibu.

Sa pahayag na inilabas ni Bishop Elmer nitong Miyerkules, Hunyo 24, pinasalamatan niya ang Diyos at mga kasama hinggil sa naturang balita. 

"Today, we give thanks to God and to all of you. The court has dismissed the case filed against us and our fellow watershed defenders," saad ni Bishop Elmer.

Ayon sa kaniya, hindi lang umano "legal victory" ang pagkakabasura sa kaniyang kaso.

"It is a victory for truth, justice, and the collective efforts of communities who courageously stand to protect our land, water, and future generations," dugtong pa ng obispo.

‘Bavi,’ lumakas bilang Super Typhoon sa labas ng PAR

Matatandaang batay sa mga dokumentong inihain sa Municipal Trial Court ng Kasibu, inakusahan ang mga respondent ng umano’y pagpapanatili ng isang ilegal na barikada sa loob ng ancestral domain na sinasabing humahadlang sa mga aktibidad ng kumpanya.

Ang reklamo para sa forcible entry ay isinampa ni Rosario Camma, na kumikilos sa kaniyang personal na kapasidad at bilang overall chieftain ng Bugkalot/Ilongot Indigenous Peoples/Indigenous Cultural Communities.

Maki-Balita: Paring tumutol sa pagmimina, kinasuhan!