July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Hinagpis ng ina ng biktima sa pamamaril sa Tacloban: Hindi mali ginawa mo, pero kami ang iniwan mo!

Hinagpis ng ina ng biktima sa pamamaril sa Tacloban: Hindi mali ginawa mo, pero kami ang iniwan mo!
Photo courtesy: Screenshot from News5 (YT)/Mariz De Paz Alicando (FB)

Emosyunal ang ina ng Grade 7 student na si Chris Lorenz Fabian matapos alalahanin ang sinapit ng anak, sa naganap na shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte noong umaga ng Lunes, Hunyo 22.

Si Chris Lorenz ang lalaki sa viral video ng insidente kung saan isinara niya ang pinto ng pinagtataguang silid-aralan ng iba pang takot na mag-aaral habang nagaganap ang pamamaril, subalit natamaan siya ng bala sa bandang balikat.

Sa panayam ng News 5 kay Bea Fabian, ina ni Chris Lorenz, masakit para sa kaniya ang nangyari sa anak, na inilarawan niya bilang isang taong may likas na kabutihan sa kaniyang puso.

Hindi naman niya akalaing ang kabutihan ng puso ng anak ang magdadala rito sa kapahamakan, na humantong na nga sa kamatayan.

"Hindi ko sinasabing hindi maganda yung ginawa mo, okay, pero kami naman yung iniwan mo," aniya.

Probinsya

Bahay ni Torre, binaha: 'Maraming pamilya sa Davao City paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon!'

Sa pagpapaliwanag pa niya, hindi raw talaga nagdadalawang-isip ang anak kapag tutulong siya sa kapwa niya. Kahit na nakakaranas ng pambu-bully, ipinagpapasa-Diyos na lamang daw ito ng anak, kaysa sa magsumbong pa sa kaniya, at pagmulan pa ng away sa magulang ng nambu-bully.

Kung maibabalik lang daw niya ang buhay ng anak sa pamamagitan ng time machine, gagawin daw niya.

"Kung puwede ka lang mabuhay 'nak, kung may time machine, ibabalik kita..." aniya pa.

Samantala, sa eksklusibong panayam naman ng Balita sa guro ni Chris Lorenz na si Mariz De Paz Alicando, ikinuwento niya kung paano naging "bayani" si Chris Lorenz sa mga kaklase at iba pang estudyante ng mga sandaling iyon.

Maki-Balita: #BalitaExclusives: Estudyante sa Tacloban na isinakripisyo ang sarili para sa mga kaklase, binigyang-pugay ng guro!

May mga nagmumungkahing netizen na kilalanin ang kabayanihan ni Chris Lorenz sa pamamagitan ng pagpalit ng pangalan ng paaralan, at ipalit sa pangalan niya.