SA nakikita naming pagdisiplina nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang mga anak na sina Yohan, Lucio at Luna ay naalala namin si Mommy Carol Santos dahil ganito rin niya dinisplina ang ate at kuya ng aktres na sina Jeffrey at Jackie.

judy ann

Bagama’t nasa Canada si mommy Carol ay wala naman tigil ang kabibilin niya sa mga anak sa tuwing magkakausap sila kasama pa ang yaya nilang si ate Binay noong buhay pa.

At dahil panganay si Jeffrey kaya siya ang naging tatay sa dalawang kapatid niyang babae na sina Jackie at Juday at kapat nauwi si mommy Carol ay talagang ang saya-saya ng magkakapatid.

Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

Magaling magluto si mommy Carol at namana ito ni Juday na mas lalong nadagdagan ang kaalaman nang mag-aral ng culinary.

Anyway, habang bata pa sina Yohan, Lucio at Luna ay tinuturuan na sila ng mama nila ng gawaing bahay pati kung hanggang anong oras lang sila puwedeng gumamit ng gadgets. Pero sabi nga ng aktres since online schooling ngayon kaya medyo naging babad na.

At dahil sa ECQ ay natutukan nina Ryan at Judy Ann ang tatlong anak.

“Ngayong araw-araw tayong magkakasama, ito yung time for us to nurture our kids more. I-enjoy natin ‘yung bawat moment na kasama natin sila dahil our kids really look up to us, ginagaya nila tayo.

“Kaya kung ano ‘yung sabihin natin, gawin natin, pano tayo magdamit, paano tayo mag-alaga sa kanila, ibinabalik nila sa atin yun,” kuwento ng aktres.

At dahil hindi naman lumaking techie si Juday kaya kailangan na rin niyang mag-research sa online para masabayan ang mga anak.

“Nag-aaral ako with them dahil bilang nanay kailangan mo rin i-level up ang knowledge mo sa kung ano ang ginagawa ng mga anak mo.

“Kasama din nila ako mag-research tungkol sa mga bagay bagay dahil minsan mas alam pa nila kung ano yung mga bago at trending kaysa sa’kin at mas natututo ako from them and with them,”paliwanag pa.

Plantitas na rin ang mga bagets dahil tinuturuan nina Ryan at Juday ang kanilang mga anak magtanim tulad ng gulay pa puwedeng pangsahog sa uulamin nila.

“Recently nagtatanim kami nina Lucho at Luna ng mga veggies na pwede naming ulamin.

“We need to equip our children with basic survival skills tulad ng pagluluto, paglilinis, paglalaba, at paghuhugas ng pinggan para paglaki nila, hindi sila nakadepende sa ibang tao dahil naturuan natin sila at this early age,” paliwanag ng proud mom.

At nakatitiyak kami na super proud din si mommy Carol dahil nakikita niyang napalaking maayos, magagalang at mababait ang mga apo niya sa bunsong si Budaday kaagapay ang asawang si Ryan.

-Reggee Bonoan