TWO days ago, August 28, nag-celebrate ng birthday ang Mommie ni Rita Daniela, si Rosanna Iringan, kaya nagbigay-pugay si Rita sa ina, na ngayon ay nagdaranas ng pagsubok habang nagpapagaling sa kanyang breast cancer. Sinamahan ni Rita ng picture nila ng Mommie niya ng post nito sa Instagram na noon ay paslit pa lamang siya.
“Hindi man tayo kumpleto sa kaarawan mo, pero alam kong masaya ka dahil God is blessing you with so much love, we love you, Ma. I’ll always honor and love u – for you are my mother, stay strong and know that God loves u so much, happy birthday.”
Five years ago ay pumanaw na ang daddy ni Rita at ang kuya naman niya ay halos hindi nila nakakasama dahil isa itong frontliner. Kaya nang mag-celebrate nga ang kuya niya ng birthday a few days ago, dinalhan lamang nila ito ng birthday cake at sabi nga ni Rita, ni hindi nila mayakap ng Mommie niya ang kapatid, tama na iyong nakita nila ito nang lumabas ng hospital at lumapit sa kanila.
Isang life lesson mula sa ina ang hindi nalilimutan ni Rita at isinasabuhay daw niya ito araw-araw: “Bilog ang mundo, Don’t be rude to people. Sa ngayon mataas ka or mas mataas sila pero darating ang panahon na kakailanganin mo rin sila at kakailanganin ka rin nila.”
-Nora V. Calderon