Sa pag-aasam na matuldukan na ang korapsyon, posibleng magkaroon ng revamp o reorganization sa hanay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magpatupad ng pagbalasa si Pangulong Rodrigo Duterte sa ahensya kasunod na rin ng pagbibitiw sa posisyon ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Pero nilinaw ni Roque na sakali man ipatupad ang balasahan ay dapat naaayon pa rin ito sa itinatakda ng batas.

Beth Camia
Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD