Bantay-sarado ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) upang matiyak na hindi na mauulit ang dalawang insidente ng pambobomba sa Jolo, Sulu, kamakailan.

Ito ay nang atasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang PCG upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad sa iba’t ibang transportation terminal sa Metro Manila at pang karatig na lugar.

Babantayan ng nasabing grupo ang train line mula sa Roosevelt hanggang Baclaran stations.

“Since August 26, our K9 teams have been assisting security forces at the LRT-1 to deter criminal activities through higher visibility, enhance response time, and to make the commuter riding experience more secure,” ayon pa sa pahayag ng PCG.

61-anyos na OFW, natagpuang patay sa bahay ng employer

-Alexandria Dennise San Juan