Nanawagan kahapon si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra sa susunod na mamumuno sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na lansagin ang malawakang korapsyon sa ahensya.

“We hope that the new leaders who will be installed at PhilHealth will carry on this internal cleansing and restoration on their own,” lahad ni Guevarra na convenor ng Task Force PhilHealth na nag-iimbestiga sa malawakang anomalya sa mga government corporation.

Reaksyon ito ni Guevarra kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni dating PhilHealth president and chief executive officer Ricardo Morales atng iba pang PhilHealth officials.

Matatandaang bumuo ng task force ang kalihim noong Agosto 7 alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulng Rodrigo Duterte upang mag-imbestiga sa korapsyon sa nabanggit na state-run insurer.

Metro

Isang tsuper at mag-ina, patay sa karambola ng anim na sasakyan

Binigyan lamang ni Duterte ng 30 araw ang task force upang makapagsumite ng rekomendasyon sa kanya, kung saan nakapaloob ang mungkahing legal actions laban sa mga opisyal at kawaning sangkot sa anomalya.

Umaasa rin si Guevarra na makakapaglabas ng malawak na pananaw ang task force kaugnay ng matagal ng umiiral na systematic na problema sa PhilHealth.

Kumpiyansa rin ito na makakapagpapalabas ng rekomendasyon ang task force bago matapos ang 30 araw.

“We also hope to be able to file certain legal actions with the Office of the Ombudsman by then,” aniya.

Kahit din aniya pagkatapos ng 30-day period, tiniyak din ni Guevarra na lalaliman at lalawakan pa rin nila ang pagsasagawa ng investigative work at structural reforms sa central at regional offices nito.

-JEFFREY DAMICOG