Inanunsyo ng pamunuang Beep ang kanilang bagong Card Expiry Extension sa beep mobile app para sa mga nais mag-renew ng kanilang card bago ang expiration nito.
Sa kanilang social media, inanunsyo ng Beep na mare-renew na ang beep card sa loob ng anim na buwan bago ang orihinal na expiry date nito na makikita sa likod ng card.
Anila pa, upang magamit ang card expiry extension, tiyaking updated ang beep card app at nakabukas ang Near Field Communication (NFC) feature sa smartphone.
Para naman sa concessionary (white) beep cardholders, Senior Citizens, at Persons with Disabilities (PWDs), libre ang renewal gamit ang mobile app.