”Kapag nagsabi sa public ang mama mo, makukulong ako,” ito ang mahigpit na bilin daw ni Arnold Clavio sa anak nila ni Sarah Balabagan na si Ara, 21 years old na kasalukuyang nasa Las Vegas Nevada, USAkasama ang ina.

Sarah

Ito ang bagong pasabog ni Sarah sa panayam niya kay Ben Tulfo kamakailan na napapanood sa YouTube channel na Bitag Official.

Ikinataka ng host ng Bitag kung bakit ngayon lang nagsalita si Sarah pagkalipas nang 22 years na baka raw may kinalaman ito dahil inaatake ni Arnold ang administrasyong Duterte.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pero klinaro ng ina ni Ara na walang kinalaman sa politika ang pag-amin niya dahil personal na kuwento naman ito ng buhay niya at gusto niyang mawala na ang burden sa kanya.

“Aminin ni Arnold o magsalita siya, wala na po akong ano basta ang importante, naipasa ko na yung burden sa kanya.

“Nasa kanya na iyon kung aaminin niya. Huwag lang niya idi-deny. Pag idinenay niya, ibang usapan na iyon,” paliwanag ni Sarah.

Balik tanong ni Ben kay Sarah, “So do you expect na this time nasa burden na, nasa balikat na ni Arnold? Na aminin na sa publiko na ‘Anak ko si Ara.’ May anak. ‘Please say it, she’s my daughter.’”

“Yeah. Magpakalalaki na siya, hello. Twenty-two years na ‘yung ibinigay kong pagkakataon sa kanya, and I hope and pray na ready na siya,” sagot ni Sarah.

Dagdag pa, “Arnold, tutal, twenty-two years naman na ang nakakaraan. Binigyan kita ng pagkakataon. Nakinig ako sa iyo. So, ngayon, it’s about time na iklaro ko na at sabihin sa mga tao na ikaw nga ang ama, para ma-clear ang mga pangalan ng mga tao na itinuturo ng iba na sila ang ama ni Ara. At the same time, tutal malaki na yung anak natin, 21 years old, at malaki na rin ang mga anak mo. And I’m sure ready ka na emotionally, mentally, para harapin yung ginawa mo sa akin.”

Nabanggit pa na minanipulate ni Arnold ang murang kaisipan noon ni Sarah na 17 years old lang pero hindi na ito idinetalye pa.

Sabi lang niya, “Hindi ko sasabihin kung ano, kung paano mo ako minanipulate. Hindi ko idya-justify kung ano yung mga ginagawa ko, o kung paano nangyari ‘yung mga pagkakamali ko. Pero sasabihin ko lang ang totoo na ikaw ang ama ni Ara.”

Nabanggit din ni Sarah na hindi nagbibigay ng contact information niya si Arnold at lahat ng kailangan ng anak nila ay ipinadadaan sa nanay at kapatid ni Igan.

“Wala silang direct communication kay Arnold dahil ayaw ibigay ni Arnold yung number niya. Pero kapag may mga request (Ara) kailangan dumaan kami doon sa nanay niya o di kaya sa kapatid niya, at sila yung nagre-relay kay Arnold.

“Kung gustong makita ng bata si Arnold, ganoon din, ipinapaalam sa kanila, and then ina-arrange na magkita yung mag-ama.”

At dito nga sinabi ni Sarah na hindi pabor si Ara na magsalita siya sa publiko dahil bilin ng GMAnews anchor sa anak nila na makukulong nga siya kapag nalantad ang katotohanan.

“Ngayon, yung anak ko, nasa kanya (Arnold) ‘yung simpatiya, kaya ayaw ng anak ko na magsalita ako,”sambit ni Sarah.

Sa tanong kung ilang taon sina Sarah at Arnold nagkaroon ng relasyon ay mula 1996-1997, “Seventeen years old lang po ako nung mabuntis ako ni Arnold. Kaya alam ni Arnold na kapag nagreklamo ako, o di kaya nag-open ako sa media, at inamin ko na siya ang ama, alam niya na may kalalagyan siya. So siguro, kaya pinangunahan na niya po yung anak ko.”

Okay naman ang relasyon nina Arnold at anak na si Ara na nagtatrabaho na ngayon sa Amerika, base sa kuwento ng nanay nito.

Walang galit na nararamdaman ngayon si Sarah kay Arnold dahil napatawad na niya ito.

“By God’s grace, natutunan ko pong patawarin si Arnold kahit hindi pa siya humihingi ng tawad sa akin. Bakit ko po kailangan gawin iyon? Para maka-move on.

“Nag-counselling ako. Nag-inner healing ako para lang ma-overcome ko at matutunan kong patawarin yung sarili ko,” kuwento ni Sarah.

Muling klinaro ni Sarah na kaya siya lumantad ay para malaman na rin ang katothanan dahil nga baka mawala na siya sa mundo, e, magamit pa ang mga anak niya ng iba dahil kung sinu-sino ang sinasabing ama ng anak niya.

Samantala, nagtanong kami sa abogado kung totoong makukulong si Arnold kapag lumantad na si Sarah na may anak sila.

“Walang kinalaman ‘yan sa criminal case dahil matagal nang nangyari ‘yan, paso na. Baka as a host may rules ang KBPo Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas.”

Hayan klaro naman pala na Mr. Arnold Clavio walang criminal case pala. Bukas ang espasyong ito para sa GMANews anchor.

-REGGEE BONOAN