Nagpatupad ng pagbalasa si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Archie Gamboa sa limang opisyal nito, kahapon.
Ipinaliwanag ni Gamboa na isinagawa nito ang nasabing hakbang matapos magretiro sa serbisyo si Police Major General Ramon Rafael na hepe ng National Police Training Institute (NPTI).
Sa kanyang General Order, itinalaga nito sa nasabing posisyon si Brigadier General Alfred Corpus.
Pinalitan naman ni Brig. Gen. Ferdinand Daway si Corpus bilang bagong director ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) sa Western Mindanao.
Humalili naman sa puwesto ni Daway si Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. bilang hepe ng Finance Service (FS) matapos ang anim na buwan na pagiging hepe ng PNP Health Service (HS).
Itinalaga naman si Colonel Arthur Cabalona bilang bagong hepe ng PNP-HS. Si Cabalona ay dating nakatalaga sa Directorate for Comptrollership.
Ipinuwesto naman si Colonel Arcadio Jamora Jr. bilang acting executive officer ng DIPO Northern Luzon mula sa dating posisyon sa Explosive Ordnance Division and Canine Group (EOD/K9).
-Martin Sadongdong