LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Ikinadismaya ni Lebron James ang pahayag ng NBA sa postponed ng playoff games nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) dahil lihis sa katotohanan na boycott ang dahilan.

Tatlong laro na nakatakda, kabilang ang Game 5 sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Orlando Magic sa round playoffs ang hindi natuloy.

Nagdesisyon ang Bucks na huwag siputin ang laro bilang protesta sa pinakabagong insidente ng pagpatay sa isang ‘Black man’ sa Wisconsin.

“Some things are bigger than basketball,” pahayag ni Bucks senior vice-president Alex Lasry sa Twitter.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagpahayag naman ng suporta ang Magic sa protesta ng Bucks.

“Today we stand united with the NBA Office, the National Basketball Players Association, the Milwaukee Bucks and the rest of the league condemning bigotry, racial injustice and the unwarranted use of violence by police against people of colour,” pahayag ng Magic sa opisyal na media statement.

Hindi na rin natuloy ang laro ng Oklahoma City Thunder at Houston Rockets, gayundin ang sagupaan ng Los Angeles Lakers at Portland Trail Blazers.