Ito ang apela ni Senator Panfilo Lacson kay Vice President Leni Robredo sa gitna na rin ng mga espekulasyon hinggil sa estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hindi mawawala ang mga agam-agam sa kalusugan ng pangulo at kahit pa sabihing hindi ito seryoso, hindi pa rin matitigil ang agam-agam ng taumbayan.

“Kailangang naka-ready ang Vice President to take over just in case something bad happens. So, ‘yan ang alam kong situation. Kaya nga dapat ang health ng pangulo ang laging binabantayan ng mga tao ‘yan. Hindi unusual na maraming nag-speculate sa health ng isang Pangulo whether here or anywhere else,” ani Lacson.

Muling naging kontrobersya ang kalusugan ng pangulo matapos na ihayag nito na malapit na umano siya sa Stage 1 cancer.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

-Leonel Abasola