PANGASINAN – Nasa siyam na hepe ng pulisya sa Pangasinan at tatlong iba pa sa Ilocos region ang sinibak sa kani-kanilang puwesto sa iba’t ibang dahilan, ayon kay Police Regional Office 1 director Brigadier General Roldofo Azurin, Jr.
Nakapuwesto aniya ang mga ito sa Alaminos, Dagupan, San Fabian, Binmaley, San Jacinto, Malasiqui, San Manuel sa Pangasinan; Ilocos Norte, Ilocos Sur at 1 La Union bago sila sinibak.
Epektibo aniya ang pagsibak kahapon, Agosto 27.
Nauna nang nasibak sa puwesto sina Calasiao chief of police Lt. Col. Joseph Fajardo kapalit si Lt. Col. Ferdinand Bingo de Asis, Villasis chief of police Police Major Fernando Fernandez na pinalitan ni Police Major Christian Alucod.
Gayunman, sinabi ni Azurin na nagkaroon ng promotion sina Fernando at Fernandez. Inalis naman sa posisyon ang Dagupan at Alaminos City Chief of police para makapag-schooling.
“They did not finish their 2 years tenure. They are preparing for their promotion. That is actually good for them because they are very responsible officers. They know when to leave in preparation for higher responsibility,” aniya.
Habang ang iba naman ay nasibak matapos na magkaroon ng raid sa umano’y illegal gambling sa kani-kanilang nasasakupan.
Iginiit din ni Azurin na ang pagpapalit ng hepe ng pulisya ay bilang bahagi din ng rotation of assignment upang mabigyan ng pagkakataon ang iba na makahawak ng nasabing puwesto.
-Liezle Basa Iñigo