Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang budget ng gobyerno sa coronavirus ay hindi blankong tseke at inako ang responsibilidad para sa accounting ng lahat ng public funds na ginastos sa paglaban sa pandemic.
Sa televised address nitong Martes, sinabi ng Pangulo na Tuesday magpapatupad siya ng mas mahihigpit na mga hakbang. upang matiyak na ang public funds ay ginamit “wisely and correctly,” hahabulin ang sino mang sangkot sa katiwaliab, at babawiin ang anumang ninakaw na pondo.
“I will hold myself responsible for this sole and solemn duty of answering for and in behalf of the executive department of all the funds that were spent in the fight against COVID,” sinabi ng Pangulo.
“Gumagastos pa tayo, hindi pa tayo tapos. Allow us time to do our thing, spend the money and there will always be a time for reckoning and that will be the time when we account for the money that we have used in the fight against COVID,” dagdag niya.
Nagbabala rin si Duterte na makukulong ang sinumang tao na magbulsa o maling paggamit ng mga pondo ng COVID. Sinabi niya na handa siyang iendorso ang mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal.
“Huwag kayong mag-alala kasi ‘yung may kulang o nagkulang kukunin natin balik sa kanila o hindi I assure you I will be the one to endorse the case to the prosecuting office. Ako ang magpirma mismo, “ aniya.
Upang simulan ang accounting ng mga pondo ng COVID, inutusan ng Pangulo ang National Task Force para sa COVID-19 na maayos na mag-ulat kung paano ginugol ang lahat ng mga pondo at kung para saan.
Pinanatili niya na ang badyet ng COVID ay “not a blank check because that is not allowed.” “Huwag kayong mag-alala, ikukuwenta namin ‘yung pera lahat,” aniya.
Sinabi rin ni Duterte na pinagkakatiwalaan niya si Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang dating tauhan ng militar na kasangkot sa task force ay “a bunch honest” na tao.
Iniulat kamakailan ng Department of Budget and Management na ang gobyerno ay naglabas ng P376.57 billion sa mga ahensiya ng pamahalaan parabaa kanilang COVID-related programs.
-GENALYN D. KABILING