Ibinasura na ng Supreme Court ang petisyon ng ABS-CBN Corporation na temporary restraining order (TRO) laban sa cease and desist order (CDO) na inisyu ng National Telecommunication Commission (NTC).

Nagsagawa kahapon ng virtual en banc session ang mga mahistrado sana kinumpirma ni SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka sa mga mamamahayag na 14 na mahistrado ang bumoto para ibasura ang TRO petition ng ABS-CBN.

Hindi nakasama sa botohan si Justice Priscilla Baltazar-Padilla dahil siya ay naka-leave. Si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe naman ang member in charge sa kaso.

Ang rason ng pagbasura sa TRO Petition ay “moot and academic” na ang petisyon ng ABS-CBN matapos hindi binigyan ng Kamara ng panibagong prangkisa ang kumpanya.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

-Beth Camia