Nagpalabas ng kautusan si Navotas Mayor Toby Tiangco kaugnay sa lahat ng close contacts ng mga pasyenteng nagpositibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) na kailangan nilang sumailalim sa swab test at quarantine.
Sa nilalaman ng Executive Order No. 042 series of 2020 ang lahat ng miyembro ng pamilya na kasama sa bahay ng isang nagpositbo sa COVID-19 ay kailangang sumailalim sa swab test at hindi sila maaaring lumabas ng bahay hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta.
Kapag nagpositibo ito, obligadong dalhin sa quarantine center para kumpletuhin ang 14 days quarantine kahit pa ang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdaman mga sintomas ng nasabing sakit.
Ang sinumang hindi magpa-swab test ay padadalhan ng demand letter mula sa City Legal Office at maaari silang kasuhan sa paglabag sa Section 9 ng Repuclic Act. No. 1132. Sakop din ng batas na ito ang pagkakalat ng maling impormasyon kaugnay sa COVID-19.
-Orly L. Barcala