Habang ang iba’t ibang bansa ay naghahabol ng isang bakuna sa coronavirus (COVID-19), ang Pilipinas sa kabilang banda, ay napakalayo pa sa pagkamit ng isang uri ng ng self-sufficiency sa pagbuo ng mga bakuna.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology - Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), ang vaccine development at production ay nangangailangan ng malaking pamumuhunan at yaman.

“Most companies will tell you that they actually factor in the cost of R&D, from proof of concept to marketing. All of that has to be dealt in to the final cost of the product. So, we imagine for this COVID-19 pandemic vaccine…it would really be expensive,” sinabi ni Dr. Montoya sa virtual press briefing ng Sub-Technical Working Group (TWG) on Vaccine Development.

Ipinaliwanag ni Dr Montoya na ang bansa ay mayroon pa ring maraming bagay na dapat gawin at i-upgrade pati na rin mapahusay upang makamit ang isang tiyak na antas ng kakayahang gumawa ng mga bakuna.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Sinabi niya na ang Research and Development (R&D) para sa pagbuo ng bakuna ay mangangailangan ng makabuluhang scientific talent development na kinasasangkutan ng ilang mga disiplina, pagpaplano, imprastraktura, pagbuo ng kapasidad para sa state of the art nga mga pasilidad sa laboratoryo at pagsasanay ng sapat na human resources.

“As far as I know, we also have to upgrade our whole value chain as far as vaccine availability is concerned,” dugtong niya.

Sinabi ni DOST Usec. Rowena Cristina Guevara, Chair ng Sub-TWG on Vaccine Development na habang ang bansa sa ngayon ay walang pasilidad sa pananaliksik upang maisagawa ang pananaliksik sa pagbuo ng isang bakuna, ang DOST ay nagtatrabaho sa pagtatatag ng isang Virology Science and Technology Institute ng Pilipinas .

“We already got funding for the R&D starting next year. This will not just deal with the human viruses but also with viruses against animals and plants,” aniya.

-DHEL NAZARIO