Iginiit ni Senator Francis Pangilinan na kailangang mga lokal na Personal Protective Equipment (PPE) ang bilhin ng gobyerno sa halip na umangkat pa ito.

Magdudulot aniya ito ng trabaho sa ating mga mamamayan kapag lokal na PPE ang gamitin ng ating mga pagamutan.

Makakapagreserba rin aniya tayo ng dolyar na ginagamit sa pag-angkat nito.

Pinangangambahan din nito na nagagamit ang Department of Budget and Management Procurement Service upang nakawin ang bilyun-bilyong pera ng taumbayan na nakalaan para sa PPEs.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Nauna ng sinabi ng Confederation of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) na mas pinapaboran ang mga imported na PPE bagamat walang test ang ipinapataw sa mga ito at bagamat sobrang daming test para sa mga Filipino-made PPEs.

Nilinaw nito na pasado sa lahat ng test na nagpapatunay na ligtas ang mga PPE na gawa sa Pilipinas.

-Leonel Abasola