Nagkaroon ng “alarming increase” ng mga pagpapakamatay sa bansa sa panahon ng pandemya, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, binanggit ang napag-alaman niya nitong sa Biyernes mula kay National Task Force (NTF) COVID-19 Chief Implementor Carlito Galvez Jr .
Ayon kay Galvez,nakababahala ang pagtaas ng nagpapakamatay dahil sa pagkawala ng trabaho, pagkakakitaan, at takot na makapitan ng nakamamatay na virus. Bukod dito, nararanasan din ng karamihan sa mga Pinoy ngayon ang kalungkutan dahil sa isolation at kawalan ng pag-asang manunumbalik pa ang kanilang pamumuhay sa normal.
Kaya umaapela ang DOJ chief sa mga simbahan at spiritual leaders na magbigay ng payo sa mga dumaranas ng depression “due to loss of employment or livelihood, anxiety of being afflicted with or dying from the dreaded disease, loneliness arising from isolation, and lack of hope for a return to their normal lives.”
“I share Sec. Galvez’s concern and respectfully request our spiritual leaders to bring this much needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave off more incidents of self-destruction,” ani Guevarra, bumanggit na lumapit na siya sa Simbahang Katoliko, Islamic community, at Iglesia Ni Cristo, at iba pa, kaugnay dito.
-Fer Taboy