MULA Sampaloc sa Espana, Manila, biyaheng Diliman sa Quezon City ang collegiate star na si CJ Cansino.

Natagpuan ng UAAP Season 80 junior MVP ang bagong tahanan bilang UP Fighting Maroons matapos mag-alsa balutan sa University of Santo Tomas (UST) nitong.

Pormal na nakipagpulong ang 6-foot-2 guard sa pamunuan ng UP Men’s Basketball Team (UPMBT), sa pangunguna nina team manager Atty. Agaton Uvero at head coach Bo Perasol nitong Biyernes upang ibigay ang kanyang ‘commitment’ sa Diliman-based squad.

“Unang-una sa lahat, UST is my dream school kaya nalulungkot talaga ako sa nangyari. Hinding-hindi ko makakalimutan ang UST and thankful ako sa kanila na binigyan nila ako ng opportunity, pero I need to move on,” pahayag ni Cansino, patungkol sa kontrobersyal na isyu hingil sa relasyon niya kay UST coach Aldin Ayo.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Noong natanggap ko na, na hindi na ako pwede sa UST, marami po akong kinausap and kinonsulta. Ang naging pakiramdam ko po ay mas bagay talaga ako sa UP, mas comfortable ako sa UP,” aniya.

Bukas-palad na tinaggap ni Perasol ang desisyon ni Cansino at nangako na gagawin ang lahat para matulungan ang incoming third-year guard sa kanyang pananatili sa bagong bakuran.

“CJ will be a great addition to ensuring the sustainability of the program, especially with possibly just one player left from last season playing for Season 84. I will personally help him make the transition to being a Fighting Maroon. CJ will definitely enjoy his stay in UP,” pahayag ni Perasol.

Ikinalugod naman ni Atty. Uvero ang pagdating ni Cansino na aniya’y malaking tulong sa programa ng UP at sa hangarin na muling maging kampeon sa pinaka-glamorosong collegiate league sa bansa.

“We wanted him to play for UP when he graduated from UST high school two years ago, but his heart has always been with UST. We are happy and lucky that he chose to be part of the Fighting Maroons this time,” sambit ni Uvero.