Umabot sa halos 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy ang tinatayang 150 bahay sa isang sunog sa isang residential area sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.
kahapon ng umaga. (JANSEN ROMERO)
Sa inisyal na ulat ng Las Piñas Fire Marshal Supt. Arthur Sawate, sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Florentina delos Santos, sa Basa Compound, Zapote Plaza, Bgy. Zapote, dakong 10:07 ng umaga.
Mabilis na kumalat ang apoy sa dikit-dikit na bahay na pawang gawa sa kahoy at light materials.
Nadamay din sa sunog ang ilang apartment, commercial establishments at ang Las Pinas Coliseum sa lugar.
Umabot sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog bago tuluyang naapula bandang 1:45 ng hapon.
Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng insidente at ang halaga ng natupok na ari-arian.
Bella Gamotea