Pinaiimbestigahan ng House Committee on Agriculture and Food sa ilalim ni Quezon Rep. Wilfredo Mark Enverga ang Sugar Regulatory Administration (SRA) dahil sa kulang sa paggamit sa kanilang pondo sa gitna ng pandemiya.
Ito ang nakapaloob sa House Resolution 225 na isinumite ni Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano.
Isinasaad na sa Republic Act 10659 ( Sugarcane Industry Development Act (SIDA), pinagkakalooban ang industriya ng asukal ng taunang budget na P2 bilyon.
Bunsod umano ng underspending o kulang sa paggamit ng pondo, binawasan ang budget ng SRA nang P67 milyon para sa 2020.
“This is adversely affecting the productivity and viability of the sugarcane industry in the country,” ayon pa sa kongresista.
-Bert de Guzman