KUMPIYANSA si Philippine Olympic Committee (POC) president at Cavite Rep. Abraham “Bambol’’ Tolentino na maaprubahan sa bicameral body ang panukalang P180-million budget para sa sports na isiningit sa Bayanihan to Recover as One Act II.

“Our athletes deserve to get their allowances back in full. “Hopefully, it gets approved (in the bicameral meeting).’’ Sinikap ni Tolentino na maisama ang ayudang pinansiyal para sa Filipino athletes at coaches sa Bayanihan II sa tulong ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang Bayanihan II ang P162-billion stimulus package ng pamahalaan para labanan ang coronavirus (COVID-19).

Nakipagkita na si Tolentino kay Senate Pres. Vicente “Tito’’ Sotto III bago pa pagtibayin ang Bayanihan II sa Kamara at ibinigay umano nito ang suporta sa naturang panukala. Si Sotto ay chairman din ng Philippoine Bowling Congress (PBC). Tumango raw si Sotto at sinabing okey ang financial aid sa mga atleteng Pinoy.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Si Sotto, kasalukuyang chairman of the Philippine Bowling Federation (PBF), ay dating national bowler na lumahok sa World Cup.

“Once it gets ratified, the funding will be released to the PSC (Philippine Sports Commission), which facilitates the payroll of national athletes and coaches,’’ ani Tolentino.

Gagamitin ang P180 milyon sa 50- percent reduction sa buwanang allowances ng mahigit sa isang libong atleta at coaches mula sa 60 sports hanggang Disyembre 2020, kasama ang dagdag na tig-P5,000 bawat isa bilang ayuda sa COVID-19.

-Bert de Guzman