July 15, 2026

Home BALITA Politics

'I believe they're wrong!' PBBM, pumalag sa hanash ng INC hinggil sa isyu ng 'selective justice'

'I believe they're wrong!' PBBM, pumalag sa hanash ng INC hinggil sa isyu ng 'selective justice'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi siya naniniwala sa alegasyon ng Iglesia ni Cristo (INC) na umiiral ang tinatawag na "selective justice" sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng dalawang araw na rally ng INC bilang pagtutol sa umano'y "selective justice" at "distortion of the law," gayundin bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa nalalapit na kasong plunder na walang piyansa.

Sa isang maikling panayam sa media bago ang kaniyang apat na araw na official visit sa Vancouver, Canada, sinagot ni Marcos ang naturang alegasyon ng INC.

“I believe they’re wrong,” anang Pangulo.

Libu-libong miyembro ng INC ang nagtipon sa People Power Monument sa Quezon City at sa Liwasang Bonifacio sa Maynila noong Martes, Hunyo 30 at nitong Miyerkules, Hulyo 1, upang ipahayag ang kanilang paninindigan.

Politics

'Ilalaban ko na ito!' Sen. Alan, haharapin isyu ng 2019 SEA Games laban sa kaniya

Samantala, sinabi ni INC spokesperson Bro. Edwil Zabala sa isang panayam sa telebisyon na magpapatuloy ang kanilang panawagan para sa katarungan kahit pa makulong si Marcoleta.

“Even if Marcoleta is imprisoned, the group will continue demanding justice for fellow Filipinos who have been robbed,” saad ni Zabala.

Ang mga kilos-protesta ay isinagawa matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakatakdang magsampa ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Marcoleta sa Sandiganbayan kaugnay ng umano'y ₱75 milyong campaign donations.

Sa kasalukuyan, wala pang naihahaing pormal na kaso sa korte, at nananatiling may presumption of innocence ang senador hanggang sa mapatunayang nagkasala sa ilalim ng batas.