Muling pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs (OCA) ang publiko na obligado ang pagkuha muna ng passport appointment bago pumunta sa DFA ASEANA o anumang Consular Office.

Para sa pagkuha ng appointment bisitahin o sumangguni sa https://passport.gov.ph.

Ang mga kukuha ng Courtesy Lane services sa DFA Aseana ay maaaring kumuha ng kanilang appointment sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o online sa http://passport.gov.ph. Para sa Courtesy Lane services sa ibang Consular Offices,maaaring mag-email ng direkta sa Consular Office ang mga aplikante at bisitahin ang Consular Offices (COs)Directory sa https://consular.dfa.gov.ph/directory#COS.

Dahil sa kasalukuyang health crisis, tanging ang mga may booked appointment sa pamamagitan ng https://passport.gov.ph/ at sa mga nakatanggap ng confirmation mula sa [email protected] ay papayagang pumasok sa DFA Aseana sa Parañaque City sa mismong petsa ng kanilang appointment.

National

Chinese na may dala umanong ‘spy equipment,’ inaresto ng NBI malapit sa Comelec

Inoobliga ang kopya ng appointment confirmation sa pagpasok sa mga nasabing tanggapan.

Bilang pagsunod sa protocols na inisyu ng Department of Health (DOH) para sa lahat ng saklaw ng trabaho/workplaces, limitadong bilang lamang ng aplikante ang maaaring tanggapin sa COs.

Ipinatutupad din ng DFA ang health standards at protocols.

Ang mga aplikante na may katanungan o emergencies ay maaring makipag-ugnayan sa Consular Office kung saan sila may nakatakdang appointment o mag email sa [email protected] / [email protected] o tumawag sa (+63)2-8234-3488 para sa Passport Appointment Concerns.

Para sa Passport, Authentication, at iba pang Consular Inquiries, maaring tumawag ang publiko sa Client Concerns Unit sa (+63)977-353-3942 o (+63)961-567-9324.

-Bella Gamotea