HINDI umalis kundi tinanggal ang incoming third-year guard na si CJ Cansino sa koponan ng University of Santo Tomas sa UAAP.

Ayon kay Cansino, tinanggal siya matapos ang dalawang taon niya Growling Tigers.

Produkto ng UST Tiger Cubs at naging UAAP Season 80 Juniors MVP, nanatili sia sa UST at naging top contender sa Top Rookie honors nitong Season 81 bago natalo sa huli kay Angelo Kouame ng Ateneo pagkaraang di niya matapos ang season dahil nagtamo ng ACL injury.

“Tinanggal ako eh. Hindi mo naman kasi puwede ipagpilitan yung sarili mo sa team na ayaw na sa ‘yo,” ani Cansino sa isang statement kahapon matapos lumabas ang balita ng pag-alis umano niya sa UST nitong Huwebes.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ayon kay Cansino, ikinalungkit niya ang nangyari, higit at nais nilang magtapos sa naturang eskwelahan.

“Unang-una sa lahat, UST is my dream school kaya nalulungkot talaga ako sa nangyari. Wala akong masabi kundi salamat sa suporta ng community, fans at admin. Ibang-iba ang mga Tomasino pagdating sa suporta. Sobrang tumaba yung puso ko nung nakita ko yung suporta nila kahit na nalaman nilang lilipat ako,” wika ni Cansino.

Kumpara sa kanyang rookie year, bumaba ang averages ni Cansino ng nakaraang Season 82, kung saan bilang skipper nagtala siya ng 5.9 puntos, 5.2 rebounds at 1.9 assists.

Gayunman, hindi malinaw at walang sinabi si Cansino na kadahilanan kung bakit siya tinanggal.

Sa pagkawala ni Cansino, inaasahang mamumuno para sa UST sa susunod na season sina reigning MVP Soulemane Chabi Yo, top rookie Mark Nonoy at Rhenz Abando.

Samantala, agad namang nag-alok kay Cansino para lumipat at maglaro sa kanila ang Ateneo, La Salle, University of the Philippines at Letran.

-Marivic Awitan