July 09, 2026

Home BALITA National

'Mission accomplished!' Matteo Guidicelli, sumakses sa PLD ng Harvard

'Mission accomplished!' Matteo Guidicelli, sumakses sa PLD ng Harvard
Photo courtesy: Matteo Guidicelli

Ibinahagi ng aktor, TV host, at negosyanteng si Matteo Guidicelli ang kaniyang pagtatapos sa Program Leadership Development Harvard Business School matapos ang anim na buwan. 

Sa Instagram post ni Matteo nitong Sabado, Hunyo 27, 2026, makikita ang ilan niyang mga larawan sa pagdalo niya sa ika-42 na sesyon sa Program Leadership Development ng Harvard Business School Executive Education. 

Ani Matteo, “mission accomplished” ang pagbuno niya sa loob ng anim na buwan sa naturang programa ng Harvard sa pagsasakripisyo ng mga gabi walang tulog upang makapagtuon siya sa mga kailangan niyang gawin. 

“Mission accomplished but the mission ALWAYS continues,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Matteo Guidicelli. 

National

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!

Aniya pa, “Six months of case studies, sleepless nights, and focus.” 

Pagbibida ni Matteo nang magtanong ang propesor ng Harvard na si Margolis tungkol sa handa nilang isakripisyo para sa Program Leadership Development, isinulat daw niya na panghawakan ng marami ang kanilang moral at paniniwala para sa kanilang pamilya at bansa. 

Ganoon din daw ang patuloy na ipanalo ang puso at isip ng mga taong nasa paligid nila pati na rin ang pagbuo ng pagbabago sa mundo. 

‘Let us hold the ground with our morals and values for family and country. Let’s continue to win the hearts and minds of the people around us. Continue to scaffold up and stretch to create a difference and value to the world,’ sagot ng aktor. 

“To my family, and to my wife — thank you for all the support. This one’s because of you.,” pagtatapos pa niya. 

Ang Program Leadership Development ng Harvard Business School ay isang highly selective at mabigat na executive education course para sa mga senior managers at executives sa iba’t ibang mga bansa para sa mas pagpapalawak pa ng kanilang gampanin sa pamumuno.

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, umalma sa panloloko sa bansa: 'Tama na!’

MAKI-BALITA: Testing the waters? Kampo ni Sarah Geronimo, nilinaw usap-usapang tatakbo siya sa eleksyon