Naniniwala ang Malacañang na hindi na mapupunta sa korapsyon ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay matapos magpalabas ng anim na buwang suspensyon ang Office of the Ombudsman laban sa 13 opisyal ng PhilHealth.

Sinabi ni Roque na ngayon ay kumpiyansa ang Malacañang na mas mapabubuti na ngayon ang pagbibigay benepisyo sa mga miyembro ng PhilHealth .

“Marami pa naman ang matitino sa PhilHealth, maliban sa iilang mafia na tinatawag. Dahil diyan, tiyak nang mapupunta na sa kaban ng PhilHeath ang pondo at hindi na bulsa ng mga tiwaling opisyal,” sabi pa nito.

Eleksyon

Ogie Diaz, may blind item sa kandidatong mamimigay ng 'pork barrel' pag nanalo

-Beth Camia