Tatlong taon na ang long distance relationship (LDR) ni Eugene Domingo at kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni. Ang it is getting sweeter everyday. Ano ang sekreto lalo na ngayong may pandemic at maraming restrictions?
“Salamat sa high tech gadgets at wi-fi, we always express our love for each other. Magkasama man o hindi. Dapat bukas ang communication sa isa’t isa. Share your thoughts, Share everything,” sey ni Uge.
Dumating si Danilo sa buhay ni Uge sa panahong pagod na siya sa kinagisnang routine sa daigdig ng showbiz. Give up na rin siya on finding a partner in life. Ang lagi na lamang dinadasal sa Panginoon ay “to please take care of my heart.”
Prayer granted. Ang tanong. Nasa agenda ba ang pagpapakasal?
“Siyempre every woman dreams of walking down the aisle. But then again. Everything in God’s perfect time,” aniya.
Muling mapapanood ang show ni Uge for GMA simula ngayong buwan.
-REMY UMEREZ