July 25, 2026

Home BALITA

Mga pulis na nang-harass sa 2 photojournalists, nakaambang buminggo sa NAPOLCOM!

Mga pulis na nang-harass sa 2 photojournalists, nakaambang buminggo sa NAPOLCOM!

Nangako ang National Police Commission (NAPOLCOM) na magsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y pang-ha-harass ng ilang pulis sa dalawang photojournalist na nag-ko-cover ng kilos-protesta sa labas ng venue ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting noong Miyerkules, Hulyo 22, 2026.

Kasunod ito ng mga ulat na nagsasabing nakaranas ng umano’y panggigipit ang dalawang photojournalist habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagdodokumento ng protesta sa labas ng pagpupulong ng mga lider ng ASEAN.

KAUGNAY NA BALITA: 2 photojournalists na napagkamalang raliyista, inaresto ng pulisya!

Ayon sa NAPOLCOM, sisiyasatin nila ang insidente upang matukoy kung may nilabag na batas, alituntunin, o operational procedures ang mga pulis na sangkot.

"Should the investigation establish that any police personnel violated the law, existing PNP rules, or established operational procedures, they will be held accountable and dealt with accordingly,” anang komisyon.

Konsi sa Bulacan na nag-joke time at ginaya rider's notes, binatikos!

Hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad ang mga pulis na sinasabing sangkot sa insidente habang nagpapatuloy ang pangangalap ng mga ebidensya at pahayag ng mga testigo.

Samantala, muling iginiit ng NAPOLCOM ang kahalagahan ng pananagutan ng mga law enforcement personnel at ang paggalang sa karapatan ng mga mamamahayag na malayang maisagawa ang kanilang trabaho, lalo na sa mga pampublikong pagtitipon at mga kaganapang may mataas na interes ng publiko.