July 25, 2026

Home BALITA Metro

City-wide class suspension sa QC, ikakasa sa SONA ni PBBM

City-wide class suspension sa QC, ikakasa sa SONA ni PBBM
Photo courtesy: Quezon City Government/FB, Bongbong Marcos/FB


Inanunsyo ng Quezon City (QC) Government nitong Huwebes, Hulyo 23, na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa siyudad sa darating na Lunes, Hulyo 27.

Kasabay ito ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na gaganapin sa Batasang Pambansa sa QC.

Anang lokal na pamahalaan ng QC, alinsunod ang anunsyo sa Executive Order No. 23 S. 2026.

“Layon nitong hikayatin ang lahat na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maiwasang maipit ang publiko sa trapiko,” saad ng QC government sa kanilang anunsyo.

Sa kaugnay na ulat, ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na “in place” na ang security preparations para sa ikalimang SONA ni PBBM.

MAKI-BALITA: Security preparations para sa SONA ni PBBM, 'in place' na—SILG Remulla-Balita

Ayon naman sa House of Representatives (HOR), handa na silang mag-host sa gaganaping address ng Pangulo.

MAKI-BALITA: Kamara, ready na sa ikalimang SONA ni PBBM-Balita