Aabot na 49 opisyal ng barangay ang sinampahan ng kaso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman.

Ito ang inihayag kahapon ni DILG-Undersecretary for Bgy. Affairs Martin Diño.

Binanggit nito na ang mga kinasuhan ay sangkot sa anomalya sa pamimigay ng ayuda na nakapaloob sa Social Amelioration Program (SAP).

Lumabag din aniya ang mga ito sa ipinaiiral na quarantine protocol.

Bukod sa mga barangay chairman, sabit din sa usapinb ang kanilang mga kagawad.

National

Danger! 45°C na temperatura, naitala sa Iloilo at Easter Samar ngayong Abril 26

Umaasa naman ang opisyal na aaksyunan ng Ombudsman sa lalong madaling panahon ang nasabing kaso.

-Jun Fabon