SA pagpapatulong ng tsikahan nina Direk Cathy Garcia Molina kina direk Ruel S. Bayani, Dado Lumibao, Jerry Sineneng at Ted Boborol sa kanyang Paha-Bowl, Funnily Censored video na pinost niya sa YouTube na Nickl Entertainment channel.

Aliw ang sagot ng apat na direktor sa tanong ‘Kung ikaw ay artista, papayag ka bang makipag-love scene?’

“Natural! ’Yun naman talaga ang pangarap namin mag-bold star (sabay tawa). Kung ang gagawin lang sa akin ay sasampalin at ingungudngod lang ako, my God, tapos hindi ako puwedeng mag-love scene, mag kissing scene? Hindi pupuwede ‘yun, wala namang hustisya.’’

Um-oo rin si direk Jerry, “oo naman bakit hindi. Papayag if the price is right.”

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

Dahil sa sining naman ang katwiran ni direk Ted, “papayag po ako for arts sake.”

“Ako kahit mababa ang price okay lang, depende siguro sa kala-love scene, ha, ha, ha,” natatawang sabi rin ni direk Dado.

Hard or soft ang next question.

“Oh my God!” nasabi ni direk Dado.

“Ano ba pinag-uusapan?” say ni direk Ruel.

Si direk Jerry, “hello po sa nanay ko, 86 years old.”

Sundot ni RSB (Ruel S. Bayani), “massage siguro, gusto ko hard. Unang-una ang mahal na ngayon ng massage kapag hindi hard, hindi naman sulit.”

“Ako siyemrpe gusto ko hard na hard na hard. Masarap ang hard massage, ‘yung diin na diin,”sagot ni direk Jerry.

“Ako naman soft na soft,” say ni direk Cathy.

Tumawang sabi ni direk Dado, “pag sa kanin siguro, gusto ko soft.”

“Ako gusto ko hard kasi ‘yung soft nakakakiliti,” katwiran naman ni direk Ted.

At dahil malisya ang dating ng mga tanong at sagot ay nagpaliwanag si direk Ruel na sana hindi mawalan ng respeto sa kanila ang mga makakapanood dahil gusto lang nilang maging cool sa panahon ng pandemya bukod pa sa gusto rin nilang suportahan ang kasamahan nilang direktor na si Cathy Garcia Molina sa kanyang YouTube channel at sanay dumami ang subscribers at views.

-Reggee Bonoan