Niyanig ng Magnitude 6.6 na lindol ang Cataingan, Masbate kahapon ng umaga, iniulat Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang lindol, na naganap 8:03 ng umaga ay tectonic ang pinagmulan m at nasubaybayan may 5 kilometro sa timog-kanluran ng Cataingan, Masbate.

May lalim itong 1 kilometro na may sumusunod na nairehistrong lakas: Intensity IV - Mapanas, Northern Samar; Legazpi City, Albay; Lezo, Aklan Intensity III - Iloilo City; Intensity I - President Roxas, Capiz

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman din ang lindol sa mga sumusunod lakas: Intensity V - Masbate City, Masbate; Intensity IV - Palo, Leyte; Iloilo City; Roxas City, Capiz; Naval, Biliran; Intensity III - Bago City, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City; Intensity II - Gumaca, Quezon; Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu; Intensity I - Malay, Aklan; Gingoog City, Misamis Oriental

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Nagbabala ang Phivolcs ng inaasahang pinsala at posibleng mga aftershock.

Sinabi ni OCD spokesperson Mark Timbal na maraming mga bahay na gawa sa light materials sa kalapit na bayan ng Palanas ang nasira.

-JUN FABON