NABASA namin ang pahayag ng manager nina Enrique Gil at Liza Soberano na si Ogie Diaz sa isyung paglipat sakali ng dalawa sa ibang network habang sarado pa ang ABS-CBN.

117944097_999342773851524_5096980720669079092_n

Sabi ni Ogie, “Isa ang LizQuen sa hindi binibitawan ng ABS-CBN. GMA-7 also expressed their interest, saka TV5, at yung Viva. Nagbigay sila ng kanilang interest in LizQuen... Pero siyempre, priority namin muna ang ABS-CBN. ‘Pag wala na talagang maibigay ang ABS-CBN at in-allow naman silang lumipad sa ibang bakuran, e doon pa lang kami magko-consider (na lumipat).”

Dagdag ni Ogie, naghihintay kami sa magiging desisyon ng ABS-CBN kung sakali hindi na kakayanin kung ile-let go ba kami kasi hintayin lang namin sila. Kasi kung may plano sila for LizQuen kahit buksan mo man ang puso ng LizQuen sa ABS-CBN talaga ang gusto nila. So hintay lang kami ng plano ng Kapamilya Network.”

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Pero, kung si Liza ang tatanungin, parang gugustuhin nitong hindi umalis sa ABS-CBN.

“I don’t know what is going to happen to the company in the future but I will always stand by them, I don’t think that I could ever go to another a rival network here in the Philippines. I could look for like projects to do... like foreign projects to do probably but my heart in the Philippines goes to ABS-CBN.”

Malinaw ang sinabi ni Liza na hindi niya iiwan ang ABS-CBN at mas gugustuhin

pang maghanap ng project sa ibang bansa. Siguro, ganito rin ang nararamdaman at magiging desisyon ni Enrique.

-NITZ MIRALLES