Maaaring humiling ang Pilipinas ng “credit line” mula sa Russia at China upang mapadali ang pagbabayad ng bansa para sa bakuna ng coronavirus kung ito ay masyadong mahal, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.
Sinabi ng Pangulo na ang pamahalaan ay handang magbayad ng installment para sa suplay ng bakuna na inaalok ng dalawang bansa sa Pilipinas.
“This is not for free for after all they did not develop the vaccine without great expense and also the human effort involved. Bibilhin natin ‘yan,” sinabi niya sa televised address nitong Lunes.
“If it is quite expensive then I will ask my friend (Russian) President (Vladimir) Putin and (Chinese) President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line but we will pay not in one payment but by installments. Basta ang sinasabi ko magbayad tayo. Hindi ito libre,” aniya.Iminungkahi ni Duterte ang scheme ng pagbabayad para sa bakuna kung sakaling ang bansa ay kinapos sa pera. Kinilala niya na tulad ng ibang mga bansa, ang ekonomiya ng bansa ay humina ng dahil sa coronavirus pandemic.
“All of the economy of the world, individual countries, have fallen flat. Lahat ngayon nagkakaroon ng economic hemorrhage. It is uncontrollable because people cannot really work. They cannot be productive. And so you have a problem at hand,” aniya.
Nagpahayag ulit ng pasasalamat ang Pangulo sa Russia at China sa kanilang alok na magbigay ng mga bakuna sa Pilipinas sa sandaling magagamit na ito. Sinabi niya na ang isang bakuna, na may malaking gastos, ay ang “only salvation available to humankind” sa harap ng pandemya.
“I would like to thank Russia, President Putin, and China President XI Jinping for offering to provide us with vaccine as soon as it is possible for distribution to the public. I can’t overemphasize my debt of gratitude,” aniya.
-Genalyn D. Kabiling