MASAYA ang madlang pipol dahil muli nilang napanood nitong Agosto 15 ang pagbabalik ng live show ng It’s showtime sa Kapamilya Channel at online.

vice ganda

Halos isang buwan din kasing puro replays ng mga dating episodes ang ipinalalabas dahil kanailangan pa lang mag-quarantne ng mga host at production staff.

Sa pagbabalik ng live shows, marami ang bumati at nag-congrats sa pagbabalik ng palabas lalo na ng mga host.

Musika at Kanta

Marko Rudio, kampeon sa TNT: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan

Pahayag ni Vice, “Siyempre, gusto naming pasalamatan ang aming staff and crew dahil talagang sobra ang kanilang pagtatrabaho para tayo ay muling magkasama-sama. Maraming salamat sa inyo.”

“Maraming salamat sa madlang pipol dahil talagang hinintay nila tayong mag-live. Maraming salamat po for your love and understanding.”

Bumilib din, aniya, si Vice Ganda sa loyalty ng madlang pipol dahil tinututukan pa rin ang show nila kahit replay na ang mga episodes nito.

“Actually, ang daming nag-e-enjoy sa mga replay, kahit yung mga past, past, past long-time-ago episodes, nag-e-enjoy pa rin sila,” ani Vice.

Speaking of Vice ay inilunsad kamakailan nito ang kanyang sariling digital network, ang Vice Ganda Network, at unang ipinalabas dito ang kanyang show na Gabing Gabi na Vice. Kaya naman hindi rin nakalimutang magpasalamat ng host sa mga suporta sa kanyang network.

“Maraming salamat sa lahat po ng mga tumutok at mga nanalo, ang daming nanalo kahapon sa launch ng Vice Ganda Network sa aming unang show, yung game show na Prize Ganda” pagbabahagi pa niya.

-ADOR V. SALUTA