Ito ang panawagan ng isang senador kasunod ng pagkawala ng bilyun-bilyong pondo ng ahensya na sinasabing napunta sa anomalyang umano’y kinasasangkutan ng mga opisyal nito.

Ayon kay Senador Imee Marcos, dapat munang mahinto ang pagpapalabas ng P10 bilyong pondo ng PhilHealth kung hindi naman ito gagamitin laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.

Binigyang-diin nito, hindi pa rin nakapagbibigay ang ahensya ng

detalyadong pagsiwalat sa labas-pondo nito.

Internasyonal

Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Kasabay nito, pinasaringan din ng senador ang Philhealth na umiiwas umano sa pag-audit ng mga pondong inilabas nito, gamit ang kakulangan ng Republic Act 11332 o ang batas na mandatong iulat ng ahensya sa gobyerno ang anumang nakahahawang sakit.

Hindi rin aniya tugma ang pneumonia sa depinisyon ng batas sa isang tinatawag na “notifiable disease,” kaya nagagawang i-balewala ng mga opisyal ng Philhealth ang detalyadong pagsiwalat sa mga kaso ng pneumonia at tuloy ang singil-suhol ng mga ospital.”

-Leonel Abasola