Tuloy pa rin ang health coverage ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient sa tulong ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng nangyayaring korapsyon sa ahensya.

Ito ang tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at sinabing hindi na dapat pang mangamba ang mga pasyenteng nahawaan ng virus dahil sagot sila ng PhilHealth dahil ang nasabing ahensya ay inaasatan ng Universal Health Care law na magbigay ng benepisyo sa mga Pinoy.

“Alam naman natin may universal health care law, batas na ‘yan. Ayon sa batas, especially ngayon dahil sa COVID, lahat ng pasyente na na positive sa COVID ay pag pumasok sa hospital, sasagutin ng PhilHealth,” ang bahagi ng unang Facebook live video ni Nograles nitong Sabado ng gabi.

“Huwag kayong mag-alala. ‘Yung PhilHealth alam ko may pinagdadaaan but we will make sure na kung ano man ang pinagdaadaan ng PhilHealth ay gagampanan pa rin ng PhilHealth ang kanyang tungkulin lalong-lalo na ngayong panahon ng COVID,” dagdag nito.

National

Malacañang, nagdeklara ng 'National Mourning' sa pagpanaw ni Pope Francis

Inilabas ni Nograles ang hakbang kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang umano’y korapsyon sa nasabing ahensya na pinatatakbo ng pamahalaan.

Si Nograles, ay co-chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF).

Ramdam aniya nito ang paghihirap ngh mga tinatamaan ng virus kaya nito tiniyak na hindi sila pababayaran ng gobyerno.

“Ito ung pinaka-essence ng universal health care law na lahat ng Pilipino will be covered dito sa COVID.

“Alam natin na hindi biro na magkasakit ng Covid-19, tapos kung poproblemahin pa natin kung saan kukunun ang pambayad into, that’s No. 1. Kung di co-covered ang COVID-19 siyempere baka alanganin pa pumasok sa hospital kung kinakailangan,” pahabol pa ng opisyal.

-Genalyn Kabiling